BALIKBAYAN
Nagbalik-bayan si Andres. Natagpuan nyang masarap talaga sa Pilipinas, lalo at maraming iyot.
Pinagmamasdan ni Andres ang mga pasahero sa loob ng passenger’s lounge ng modernong paliparan ng Riyadh. Ang mga OFW na tulad nya ay maingay at lahat ay excited sa kanilang napipintong paglalakbay pabalik sa kani-kanilang bansa. Ang mga Pinoy na tulad nya ay nasa isang bahagi at naka-upo sa upuan ng airport lounge. Dala-dala ng mga ito ang kani-kanilang mga hand carry na bagahe. Karamihan sa mga Pinoy na pauwi ay naninilaw sa alahas na suot. Gintong kwintas, singsing at mamahaling relo.
Naka-tingin ang karamihan sa mga ito kay Andres. Bukod-tangi kasing siya lang ang balik-bayan na ang suot na pantalon ay iyon ding ginamit nya dalawang taon na ang nakalillipas; noong unang itapak nya ang kanyang mga paa dito sa Riyadh. At ang t-shirt na suot nya ngayon ay kupas na. Mahaba ang kanyang buhok at wala siyang hand-carry. Isang lumang jacket ang hawak nya sa kamay.
Hindi nya suot ang mamahaling relo na ibinigay sa kanya ni Nurena. Ang lahat ng bagahe nya ay ipinadala nya sa door to door.
“Anong nangyari, kabayan,” tanong kay Andres ng kanyang katabi sa upuan ng lounge.
“Na-deport ka ba or what?”
Nangiti ng lihim si Andres. Ito yung gusto nya talagang mangyari. Gusto nyang makita yung reaksyon ng mga tao sa kanya. Sa paniniwala nya, likas na judgemental ang tao. Hinuhusgahan nito ang kapwa ayon sa sariling pandama nito. At ang pandamang iyon ay base sa kanyang nakikita sa panlabas na kaanyuan ng kanyang inoobserbahan.
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





